Biyernes, Enero 9, 2015

Refleksyon

          Isa ito sa mga magandang epiko na nabasa namin. Ang kwento nito ay nagsasabing ginawa ni Rostam ang lahat para lang sa kanyang reputasyon ngunit sa huli ay nagsisi siya nang malaman niyang napatay pala niya ang kanyang anak na si Sohrab. Sana ay inalam muna nila kung sino ang makakalaban nila. Nakaka “touch” ang pagtatapos ng kwentong ito. Sa una ay maiisip mo na parang walang pakielam sa magiging anak niya si Rostam dahil binuntis lamang niya si Tahmina upang makuha na ulit ang kanyang kabayo at hindi mo aasahang masasaktan din pala siya sa pagkamatay nito.

Buod

Si Rostam ay nakatira sa Sistan Iran na kilala rin bilang Persia, isang bayani at isa sa paborito ni King Kaykavous. Sa paghahanap ng kanyang kabayo, nakapasok siya sa isang kaharian ng Samangan kung saan naging bisita siya ng hari habang hinahanap niya ang kanyang kabayong nawawala. Doon nakilala ni Rostam ang princesang si Tahmina. Kilala nito si Rostam at may gusto siya rito. Pumupunta si Tahmina sa kwarto ni Rostam tuwing gabi at nagtatanong kung bibigyan siya nito ng anak at bilang kapalit ay ibabalik niya ang kabayo nito. Nakipagkasunduan si Rostam sa kanya at pagkatapos niyang bigyan nang anak si Tahmina ay nakuha niya na ulit ang kabayo niya. Bago siya umalis, nagbigay siya nang dalawang regalo para dito. Kung manganganak nang babae is Tahmina, kukunin niya ang alahas at ilalagay ito sa buhok niya. Ngunit kung manganganak naman siya nang lalaki ay kukunin niya ang tatak at itatali ito sa kanyang braso.
Matapos ang siyam na buwan, nanganak si Tahmina nang isang lalaki at pinangalanan itong Sohrab. Madaming taon ang lumipas bago magkita ang mag amang si Rostam at Sohrab. Nagkaroon ng away sa pagitan ng Persia at Turan. Nagharap ang dalawang hukbong at naghanda para sa kanilang laban. Kilala si Sohrab bilang pinaka magaling na mandirigma sa hukbong ng Turan. Ngunit ayaw mawala ni Rostam ang magandang reputasyon niya. Walang nagaatubiling kalabanin si Rostam, kaya naman pinadala si Sohrab upang makipagbuno sa bayani ng Khurasaan. Kahit na alam ni Sohrab ang pangalan ng kanyang ama, hindi niya alam na si Rostam ang kanyang makakalaban.
Sa laban, hindi alam ni Sohrab ang pangalan ng kanyang kalaban. Pagkatapos nang matagal at mabigat na paglalaban, naramdaman ni Rostam na nanghihina na siya. Natakot siya para sa kanyang reputasyon, at dahil don, sinaksak niya sa puso ang kanyang anak na si Sohrab. Dun napansin ni Rostam na suot suot nito ang kwintas na ibingay niya kay Tahmina na ibingay ito sa kanyang anak upang panatilihin siyang ligtas. Dumating maya maya si Tahmina upang iligtas silang parehas sa away, ngunit nahuli na siya at ang naabutan na lamang niya ay ang anak niyang si Sohrab na mamamatay na sa mga braso ng kanyang ama.

Kapaligirang Pangkasaysayan


Ang Shahaname ay isinulat ni Ferdowski noong c. 977 hanggang 1010 CE. Ang Shahnameh ay ang may pinaka mahabang epiko na naitala ng isang manunulat ng epiko at ito rin ang hinihirang pambansang epiko ng bansang Iran. Naisulat ni Ferdowsi  ito sa loob ng 35 na taon. Ang epikong itong ay sikat nadin sa mahigit limang bansa, kasama na dito ang Afghanistan at sa iba pang parte ng Persyan katulad na lamang ng  Georgia, Armenia, Turkey, Dagestan.

Ang Epikong ito ay may tatlong bahagi. Ang una ay ang paggawa sa persia ang pangalawa ay tungkol sa mga bayaning katulad nina Sohrab at Rostam, at ang pangatlo ay ang pangatlo ay tungkol sa mga haring namuna sa persya andito ang mga hari na si Khosrow, Siyavush, Darius at Alexander.  

Ang epikong ito ay madami na ding naidagdag sa relihyon na Zoroastrian sa impluwensya sa loob ng Iran.


Introduksyon


Ang istoryang ito na mula sa Shahaname na isang epiko ay nagsasalaysay ng paglalaban ng bayaning si Rostam ng Iran at ang batang mandirigma na si Sohrab na nagmula sa Turan. Anak ni Rostam si Sohrab na bunga ng minsang pagsasama niya at ni Tamina na isang prinsesa mula sa Turan. Sinabi ni Tamine kay Sohrab na ang dakilang bayani ng Iran na si Rostam ang tunay niyang ama. Suot ni Sohrab ang sagisag na ibinigay ni Rostam kay Tamine bilang tanda ng pagiging ama niya sa anak nila ng prinsesa. Ngunit dahil sa sinabi ni Tamine na ang anak nila ay babae, hindi alam ni Rostam na may anak siyang lalaki.



       Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at Iran, ibig sabihin ni Sohrab kay Rostam na siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigma si Rostam na maglaban sila nang mano-mano. Nakita ni Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rostam. Sumang-ayon si Rostam at dahil sa prinsipyo, makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na magiging palatandaan na siya si Rostam. Ayaw na rin niyang ipaalam kung sino sya.



        May pag-aalinlangan pa rin si Sohrab na ang makakalaban niya ay si Rostam, bagamat nararamdaman niyang siya nga si Rostam na kaniyang ama. Sa paning naman ni Rostam, nagsususpetsa siya na ang batang Turanian na paborito ng marami ay kaniyang anak, ngunit hindi niya matanggap ang ideyang iyon.


       At sa wakas, nagharap ang mag-ama sa gitna ng labanan. Ang una nilang paglalaban ay tumagal nang buong araw at natapos nang maggagabi na. Nang magbukangliwayway, ay muli na naman silang naglaban at sa pagkakataong ito halos na nanalo si Sohrab, dahil nagkunwari si Rostam. Nagharap ang dalawang bayani para sa pinal na paglalaban.