Si Rostam ay nakatira sa Sistan Iran na kilala rin bilang
Persia, isang bayani at isa sa paborito ni King Kaykavous. Sa paghahanap ng
kanyang kabayo, nakapasok siya sa isang kaharian ng Samangan kung saan naging
bisita siya ng hari habang hinahanap niya ang kanyang kabayong nawawala. Doon
nakilala ni Rostam ang princesang si Tahmina. Kilala nito si Rostam at may
gusto siya rito. Pumupunta si Tahmina sa kwarto ni Rostam tuwing gabi at
nagtatanong kung bibigyan siya nito ng anak at bilang kapalit ay ibabalik niya
ang kabayo nito. Nakipagkasunduan si Rostam sa kanya at pagkatapos niyang
bigyan nang anak si Tahmina ay nakuha niya na ulit ang kabayo niya. Bago siya
umalis, nagbigay siya nang dalawang regalo para dito. Kung manganganak nang
babae is Tahmina, kukunin niya ang alahas at ilalagay ito sa buhok niya. Ngunit
kung manganganak naman siya nang lalaki ay kukunin niya ang tatak at itatali
ito sa kanyang braso.
Matapos ang siyam na buwan, nanganak si Tahmina nang isang
lalaki at pinangalanan itong Sohrab. Madaming taon ang lumipas bago magkita ang
mag amang si Rostam at Sohrab. Nagkaroon ng away sa pagitan ng Persia at Turan.
Nagharap ang dalawang hukbong at naghanda para sa kanilang laban. Kilala si
Sohrab bilang pinaka magaling na mandirigma sa hukbong ng Turan. Ngunit ayaw
mawala ni Rostam ang magandang reputasyon niya. Walang nagaatubiling kalabanin
si Rostam, kaya naman pinadala si Sohrab upang makipagbuno sa bayani ng
Khurasaan. Kahit na alam ni Sohrab ang pangalan ng kanyang ama, hindi niya alam
na si Rostam ang kanyang makakalaban.
Sa laban, hindi alam ni Sohrab ang pangalan ng
kanyang kalaban. Pagkatapos nang matagal at mabigat na paglalaban, naramdaman
ni Rostam na nanghihina na siya. Natakot siya para sa kanyang reputasyon, at
dahil don, sinaksak niya sa puso ang kanyang anak na si Sohrab. Dun napansin ni
Rostam na suot suot nito ang kwintas na ibingay niya kay Tahmina na ibingay ito
sa kanyang anak upang panatilihin siyang ligtas. Dumating maya maya si Tahmina
upang iligtas silang parehas sa away, ngunit nahuli na siya at ang naabutan na
lamang niya ay ang anak niyang si Sohrab na mamamatay na sa mga braso ng
kanyang ama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento